Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BOC, PDEA swak sa pinalusot na P1.8B shabu

0 145

Tatlong mataas na opisyal ng pamahalaan ang nakatakdang sampahan ng reklamo sa Office of the Ombudsman kaugnay sa P1.8 bilyong iligal na droga na nakuha sa loob ng aluminum bar sa tapioca shipment noong 2019, ayon sa mga source sa National Bureau of Investigation (NBI).

“One of the charges would be conduct unbecoming for the three officials in connection with the tapioca mess,” sabi ng mga source sa Politiko. Kabilang diumano sa mga kakasuhan ay ang kasalukuyang Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) head na si Wilkins Villanueva, gayundin si dating PDEA head na si Aaron Aquino, at si Bureau of Customs (BOC) head Rey Leonardo Guerrero.

Ayon pa sa source, may kopya na ang mga attachment at hinihintay na lang ng NBI Anti-Illegal Drugs Task Force, na pinamumunuan ni Atty. Jonathan Galicia, ang pinal na kopya ng transmittal letter mula sa NBI legal department.

Matatandaan na noong Abril 2019, pina-auction ng BOC ang tapioca shipment nang hindi ito ma-claim matapos ang tatlong buwan, at binigyan din ng sertipikasyon ng PDEA na negatibo ang shipment sa iligal na droga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Gayunman, inulat ng buyer na Goldwin Warehouse sa mga awtoridad ang nakitang shabu sa aluminum bar ng cargo. Nadiskubre umano ang mga ito habang nililinis ang mga aluminum pallet ng shipment. Salungat ito sa pahayag ng BOC at PDEA na ni-raid nila ang warehouse base sa impormasyon ng tipster.

Sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act ang mga nakumpiskang iligal na produkto ay hindi maaaring ipa-auction.

Sa ginawang Senate hearing, sinabi ng ilang eksperto na maaari namang ma-detect ng BOC X-ray equipment ang mga iligal na droga.

Una rito, giniit ng BOC na tapioca starch ang mga ipina-auction sa Manila International Container Port, at hindi shabu. Sa privilege speech ni Senador Panfilo Lacson unang nahayag ang hinala sap ag-auction ng ilang container na diumano’y naglalaman ng 11- bag ng tapioca, na aniya’y cover-up para sa pumalpak na drug delivery ng ilang BOC official.

Samantala, tinangkang hingan ng reaksyon ang tatlong opisyal sa ibinabatong isyu subalit bigo ang Tonite na makuha ang kanilang panig. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.