Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BOC scammer dinakma sa estafa

0 162

Dinakip ng Bureau of Customs (BOC) ang isang indibiduwal na nagpapanggap na kawani ng Bureau para makapanggantso ng pera mula sa mga inosenteng biktima.

Ang suspek, na nakilalang si Macario Samson alyas ‘Intsik’, ay inaresto sa operasyon na isinagawa ng Intelligence Group Customs Intelligence and Investigation Service Port of Manila District Office at Manila Police District.

Bukod kay Samson, pinosasan din ang isang Emmanuel Dizon, na nabatid na nagpapanggap na director ng International Container Terminal Services Inc. (ICTSI) gamit ang pangalang Steven So Chan.

Sinasabing sinuwitik nina Intsik at Dizon ang P230,000 mula sa biktima bilang bahagi ng isang online na bentahan ng motorsiklo sa halagang P300,000.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa complaint, pinagbabayad ng suspek ang biktima ng P230,000 downpayment para marekober ng nauna at ma-release ang motorsiklo mula sa kustodiya ng BOC.

Nang makapagbayad, naglaho na ang suspek at hindi na sinagot ang tawag ng biktima kaya inulat na ng huli sa awtoridad ang insidente.

Nasamsam umano mula kay Samson ang mga pekeng ID ng BOC at ICTSI.

Nahaharap ang suspek sa posibleng kasong estafa, falsification of public document at usurpation of authority sa ilalim ng revised penal code.

Leave A Reply

Your email address will not be published.