Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BOC staff inambus sa Fortuner

0 229

Patay ang isang Information Technology (IT) operator ng Bureau of Customs (BOC) matapos barilin ng isang motorcycle rider habang nasa loob ang biktima ng kanyang sport utility vehicle na nakaparada sa panulukan ng Pedro Gil at Pasig Line, Sta. Ana, Maynila Biyernes ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Gil Manlapaz Jr. y Cua, 47-anyos at residente ng Fabie Estate, Sta. Ana, Maynila.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District, inilarawan ang suspek na nakasuot ng itim na jacket, nakapantalon, dilaw na helmet at sakay ng kulay itim na motorsiklo.

Naganap umano ang pamamaril sa biktima dakong alas-7:50 ng gabi.

Sa nasabing oras, nasa loob umano ng kanyang Toyota Fortuner ang biktima at nakaparada malapit sa kanilang bahay nang lapitan at barilin sa ulo ng suspek.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Patuloy pang nag-iimbestiga ang pulisya sa pamamaslang kay Manlapaz.

Pang-apat na si Cua sa mga kawani ng BOC na tinambangan mula noong Disyembre 2021. Pinakahuli ay noong Enero 14 kung saan nakaligtas sa pamamaril ang isang physical examiner ng BOC.

Nakaligtas rin ang unang biktima subalit nasawi naman ang pangalawang inambus sa Maynila.

Nag-alok naman ang BOC ng P300,000 pabuya sa makapagtuturo sa mga suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.