Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bodega nagliyab sa Caloocan

0 135

Tinupok ng apoy ang isang bodega sa Caloocan City sa naganap na sunog kahapon ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-2:18 ng madaling-araw nang mangyari ang sunog sa Ipolymer Solution, Inc. warehouse sa No. 346 Gen. Luis St., Bagbaguin, Caloocan City.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog ganap na alas-2:45 ng madaling-araw at dineklarang fireout alas-10:32 ng umaga.

Walang naitalang sugatan o nasawi habang masusi pang inaalam kung ano ang pinag-ugatan ng sunog.

Tinataya namang nasa P3,240,000 ang natupok na ari-arian.

Leave A Reply

Your email address will not be published.