Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bodega ng drug syndicate hinahanting

0 49

Patuloy ang ginagawang pagsubaybay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga posibleng warehouse ng Golden Triangle international drug syndicate matapos ang pagkakakumpiska ng nasa 30 kilo at mahigit sa P200 milyon halaga ng shabu sa Parañaque at Taguig City nitong Miyerkoles ng gabi.

Sinabi ni PDEA chief Director General Wilkins Villanueva na ang nakumpiskang shabu at tatlong naaresto ay galing sa African drug groups na Golden Triangle, “Sa ngayon, ang talagang pumapasok sa atin ay droga galing sa Golden Triangle drug trafficking organization. So ‘yun ang hinahanap natin kung nasaan na naman ‘yung iba pang bodega kasi nakuha na ng PNP at PDEA ‘yung bodega nila sa Marilao, Bulacan.”

SM food to go Banner Ad

Kinilala ang mga naaresto sa Don Bosco, Parañaque City na sina Suboh Omal Abdul, 29; at Alvin Abdul Amiril, 40. Nasamsam sa kanila ang tinatayang P81.6 milyong halaga ng droga. Sa follow-up operation sa Western Bicutan, Taguig nadakip ang online seller na si Ebrahim Dimakiling, 33, na umano’y supplier ng dalawa, at nahulihan ng P122.4 milyon ng shabu.

Dagdag ng PDEA chief, nakikipag-ugnayan na sila sa Bureau of Corrections upang makumpirma ang impormasyon na ang 30 kilo ng shabu na nakumpiska sa tatlong naarestong suspek ay dadalhin sana sa New Bilibid Prison. (Edwin Balasa/Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.