Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bodega ng Foodpanda nagliyab, 2 sugatan

0 50

Dalawa katao ang sugatan nang masunog ang isang warehouse na pagmamay-ari ng Foodpanda, Martes ng umaga sa Muntinlupa City.

Sa report, sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nasunog ang physical warehouse ng nasabing food delivery app na matatagpuan sa Ayala-Alabang sa Muntinlupa.

Nagsimula anila ang sunog alas-2:25, kahapon ng madaling-araw, sa kaliwang bahagi ng bubong ng gusali.

Hindi naman itinaas ang anumang fire alarm dahil mabilis naapula ang apoy.

Tinatayang nasa P5,000 ang danyos sa sunog, ayon sa BFP.

Samantala, hindi sinabi kung paano nasugatan ang dalawang hindi tinukoy na biktima. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.