Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bodega ng tela, laruan natupok

0 354

Sumiklab ang apoy sa bodega ng laruan at tela sa Narra Street at Bambang Extension sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng gabi.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection nagsimula ang sunog alas-10:43 ng gabi na inakyat sa ikatlong alarma alas-11:30 ng hatinggabi at umabot pa ng alas-otso Huwebes ng umaga bago idineklarang fire control.

Nadamay umanong masunog ang ilang residential house sa kalapit na lugar. Wala maman iniulat na nasawi o nasugatan sa nabanggit na sunog. Inaalam pa rin ang halaga ng natupok na ati-arian habang patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng apoy. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.