Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Body cam sa drug raid ioobliga

0 88

Magiging obligado na ang paggamit ng body camera ng mga pulis at iba pang operatiba na kasama sa anti-drug operation.

Ayon kay House Committee on Dangerous Drugs chairperson at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, nakapaloob ang paggamit ng body camera sa panukalang pag-amyenda sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (Republic Act 9165) na inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa noong nakaraang linggo.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Barbers na maaaring masawata o mahuli ang mga kuwestiyunableng pangyayari sa mga anti-drug operation sa paggamit ng body camera.

“Unfortunately, even as we have called for its use years ago, our pleas seem to have fallen on deaf ears, whether intentional or otherwise. Now that we have included it in the law and passed it in the House, the Senate has yet to file a similar bill,” ani Barbers. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.