Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Body cam sa PNP isabatas – Biazon

0 83

Ikinatuwa ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon ang utos ng Korte Suprema na nagmamando sa Philippine National Police (PNP) na gumamit ng body camera sa pagsasagawa ng pag-aresto at pagsisikbi ng search warrant.

Pero naniniwala si Biazon na makabubuti kung magpasa ang Kongreso ng isang batas kaugnay nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Una nang naghain si Biazon ng House Bill No. 32 o Body Camera Act noon pang 2016 upang gawing mandatory ang paggamit ng body camera sa mga alagad ng batas.

Sa ilalim ng panukala ay ipagbabawal ang pag-deactivate ng body camera hanggang hindi pa tapos ang operasyon. Magkakaroon din ng tamang pangangalaga sa mga video na hindi maaaring burahin sa loob ng tatlong taon. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.