Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bogdanovic bibingwitin ng Bucks

0 224

Nag-e-explore ng trade scenarios ang Milwaukee Bucks para makuha si restricted free agent Bogdan Bogdanovic mula sa Sacramento Kings.

Interesado ang Bucks kay Bogdan, pero may problema sa salary cap ang Kings kaya hindi maikasa ang sign-and-trade.

Iniulat ni Zach Lowe ng ESPN na puwedeng makuha ng Bucks si Bogdanovic pero kasama ang kontrata ni Harrison Barnes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Puno sa shooting guard ang Sacramento, may Buddy Hield pa. Kagandahan ay puwedeng maglaro sa ibang posisyon si Bogdanovic.

May tatlong taon pa si Barnes sa extension na pinirmahan niya sa Sacramento bago ang 2019-20. Tatanggap siya ng $22.2M sa 2020-21. Kapag nawala ang kanyang kontrata, luluwag ang cap ng Kings at puwedeng maghabol ng ibang free agents na swak sa sistema nila.

Nabanggit din ni Lowe na hindi pa malinaw kung nagpaabot na ang Bucks ng abiso sa Kings para pag-usapan ang deal ng swingman. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.