Abante Tonite Interactive

Bogut babanat agad sa GSW

292

Ni-recall ng Golden State Warriors (GSW) ang serbisyo ni Andrew Bogut para may ctibay sa paint sa paghahabol ng pangatlong sunod na titulo sa NBA.

Inaasahang makakalaro na si Bogut sa nakalinyang four-game trip ng Warriors sa susunod na linggo, ayon sa sources ng Bay Area News Group.

“I didn’t foresee this happening, but I’m excited as hell,” ani Draymond Green nitong Miyerkoles.

Pinaplantsa na ni Bogut at ng Warriors ang one-year contract matapos siyang mabigyan ng clearance mula sa Australia at NBA.

“We have to look ahead to the playoffs and different matchups,” pahayag ni coach Steve Kerr. “We felt vulne­rable, particularly in case of injury, against certain matchups. That’s why Boges is coming.”

Si Bogut, 34, ang starting center ng Warriors noong 2014-15 nang itakbo ang una sa tatlong kampeonato. Pi­namigay siya sa Dallas pagkatapos ng 2015-16 season para lumuwag ang salary cap at makuha si Kevin Durant.

Tumawid siya ng Cleveland sa sumunod na season pero inabot ng season-ending injury sa unang laro. Huli siyang naglaro sa Lakers (24 games) noong 2017.

Nagpadala ang Warriors ng kinatawan sa Australia para obserbahan ang laro ni Bogut, at natuwa sa kondis­yon nito. Naging Best Defensive player sa NBL si Bogut at nag-average ng 11.4 points, 11.5 rebounds at 2.7 blocks para sa Sydney Kings.