Bohol inuga ng lindol

Bahagyang inuga ang Bohol matapos tumama ang magnitude 4.2 kahapon ng madaling-araw.
Sa tala ng Philippine Institute of Seismology and Volcanology (Phivolcs), ika-2:43 ng umaga nang maganap ang pagyanig sa 25 kilometro timog-silangan ng Lila, Bohol.

May lalim itong 540 kilometro at tectonic ang origin.
Walang naitalang pinsala at wala ring inaasahang aftershock.