Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bohol niyanig ng 4.2 magnitude

0 94

Niyanig ng 4.2 magnitude na lindol ang lalawigan ng Bohol kahapon ng hapon ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs).

Ayon sa ahensya, ang tremor ay naitala dakong ala-1:30 ng hapon, isang kilometro mula sa southwest ng bayan ng Catigbian.

May lalim na 1 kilometro at tectonic ang origin ng pagyanig, saad pa ng Philvocs.

Inaasahan naman ang mga mahihinang aftershock. Wala ring naitala na nasaktan o nasirang mga ari-arian sa naganap na lindol, ayon pa sa Philvocs.(Edwin Balasa/Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.