Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Boholano sumuporta kay Inday Sara

0 80

Nanumpa sa Hugpong Para kay Sara (HPS) citizens movement ang mga opisyal at miyembro ng Alyansang Bol-anon Alang sa Kausaban (Abaka).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinangunahan nina Abaka Chairman Norris Oculam at Cong. Aris Aumentado ng ikalawang distrito ang seremonya na idinaos sa Abaka beach house sa Libaong, Panglao, Bohol. Binubuo ang Abaka ng mahigit sa 20,000 miyembro kabilang ang Boholano associations na nakakalat sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang Abaka ang pinakabagong asosasyon na sumapi sa patuloy na dumaraming supporters na nakahandang sumuporta sa presidential campaign ni Davao City Mayor Sara Duterte kapag nagdesisyon itong sumabak sa pampanguluhang eleksyon sa Mayo 2022.

Leave A Reply

Your email address will not be published.