Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bokalista, 5 pa dinakma sa ‘bato’

0 43

Sa loob na ng hoyo ipagpapatuloy ng isang babaeng band vocalist ang pagbirit makaraang madakip ng mga pulis kasama ang lima pang katropa sa ikinasang buy-bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article 11 ng R.A. 9165 (selling and possession of dangerous drugs) ang ikinaso laban kina Christine De Silva alyas ‘Tin-Tin’, 26-anyos, band vocalist at Jose Gacias, 35, kung saan walang piyansang inirekomenda ang piskalya.

Sa record ng pulisya, ‘newly listed drug pushers’ ang dalawa.

Kinasuhan naman ng paglabag sa Section 11 (illegal possession of dangerous drugs) ang mga kasamahan nila na sina Anna Rocel Espenida, 34; Jasper Escallana, 20; Michael Martin, 45, at Ferdinand Aquino at maaari silang makapag-bail para sa kanilang pansamantalang paglaya.

Sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malabon Police, dakong alas-2:00, Sabado ng hapon, nagkasa sila ng buy-bust sa kahabaan ng Del Rosario St., Brgy. Dampalit ng siyudad.

Katransaksiyon umano nina De Silva at Gacias si P/SSg. Julius Sembrero na nagkunwaring poseur buyer at umiskor mula sa dalawa ng hala­gang P500 na ‘bato’.

Matapos ang abutan, dinamba na ng mga kasamahan ni Sembrero ang dalawa, pati na ang apat pa nilang kasamahan na naroon din sa lugar at noo’y katatapos lang umanong bumatak.

Narekober umano mula sa mga suspek ang 16.80 gramo ng shabu na may market value na P114,240. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.