Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Boksingera namatay

0 77

Yumao na ang isang dating boksingera ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na si Alexcel Dargantes sa edad na 24 na taon nitong Sabado ng gabi sa Baguio City.

Tubong Gen. Santos City, siya nasa national women’s boxing team noong 2013-17, at nanirahan sa Baguio dahil naroon ang Boxing Training Center hanggang sa siya ay mamatay.

SM food to go Banner Ad

Nakiramay nitong Lunes si ABAP president Victorico ‘Ricky’ Vargas at tiniyak na aasikasuhin ang biyahe at gastos para makabalik sa Mindanao ang labi ni Dargantes, habang nakikipag-ugnayan si ABAP secretary general Edgar Genaro ‘Ed’ Picson kay Philippine Sports Commission (PSC) chief of staff Marc Edward Velasco para sa pinansiyal na tulong. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.