Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Boksingero nanlata sa female personality

0 205

Kinabog ng mundo ng boksing ang balwarte ng palakasan. Naging matagumpay ang mga atletang Pinoy na kumatawan sa ating bayan sa Olimpiyada.

At dahil nakasentro nga sa boksing ang atensiyon ng buong bayan ngayon ay naalala ng aming source ang isang karanasang pinagbibidahan ng isang female personality at ng isang kampeong boksingero.

Kuwento ng aming source, “Naging magkarelasyon sila, hindi niya ‘yun maitatago, ang dami-daming kuwentong alam ng kampo ng lalaki tungkol sa relasyon nila!

“Ang palaging kasama sa ibang bansa ng female personality, e, isang producer na malapit dati sa sportsman. Kapag bumibiyahe sila, siguradong susunod naman ang sikat na male personality.

“Du’n sila nagtatagpo dahil matinding magbantay ang wifey ng guy, malakas ang pang-amoy, kaya kailangang sa ibang bansa sila magkita para sa paglipad nila sa langit-langitan ng kaligayahan,” unang sultada ng aming impormante.

Pero matindi mang umamoy ang misis ng sportsman ay wala itong binatbat sa husay pumaraan ng female personality. Matindi ang girl, kaya niyang gawin ang lahat ng palusot, walang-wala sa kanyang mga atake ang misis ng sikat na lalaki.

Patuloy ng aming source, “Sa isang malamig na lugar ginawa ng sportsman ang kanyang training para malayo sa ingay ng Maynila. Sila lang ng kanyang coach at assistant coach ang nandu’n.

“Kahit ang pagdalaw ng pamilya ng guy sa kanya, e, naka-schedule, mahigpit si coach, kailangang walang nakakaabala sa training ng kanyang alaga. Pero matindi talaga ang girl, bumiyahe siya sa malamig na siyudad, nag-check-in sa isang hotel.

“Natural, may communication sila ng guy, alangan namang nagpunta siya du’n nang wala lang. Nalusutan ng girl si coach. Nagkita sila ng male personality!

“Nalaman na lang kinabukasan ng coach na may nangyaring milagro dahil parang nanglalata-naglalambot ang guy sa kanyang training! Bawal na bawal sa isang tulad niya ang panghihina.

“Ibang klase talaga ang girl kung umatake, kayang-kaya niyang lusutan kahit ang nakaharang na sibat dahil nandu’n ang mina ng ginto!” napakadiing pagtatapos ng aming impormante.

Willie barado ang lalamunan

Replay ang Wowowin-Tutok-To-Win nu’ng nakaraang Huwebes at Biyernes. Nawalan ng boses si Willie Revillame. Matindi ang kanyang pagkamalat, parang hangin lang ang lumalabas sa kanyang lalamunan, kaya nagdesisyon ang produksiyon na replay ang ipalabas.

Natural, napakaraming nalungkot, nawalan ng pag-asa ang mga kababayan nating tumututok sa programa na matawagan lang ni Willie ay meron na agad silang beinte mil na may bonus pang tablet at jacket.

Sa panahon ngayon ng pandemya ay itinuturing na biyaya mula sa langit ng mga nagdarahop nating kababayan ang mga ipinamamahagi ni Willie sa Wowowin.

Text-text lang kami ni Willie, hindi siya nakikipag-usap kahit kanino, matinding pahinga ang kailangan ng kanyang lalamunan.

“Bumigay ang boses ko, barado ang lalamunan ko, hangin lang ang lumalabas, hirap na hirap ako,” text niya sa amin.

Hindi biro ang dalawang linggong pinagdaanan niya, siya ang nakikipag-usap sa mga taga-IATF at sa mga namamahala sa Clark International Airport, sumabay pa ang matinding preparasyon niya para sa Shopee.

“Huwag kang mag-ilusyon na si Superman ka, iisa lang ang katawan mo, iisa lang ang buhay mo,” biro namin sa TV host na sobrang sipag.

Aminado naman siya na kapag may tinatanggap siyang trabaho ay isandaang porsiyentong effort ang ibinibigay niya na halos mapabayaan na niya ang kanyang kalusugan.

“Sa Monday, okey na ako, naipahinga ko na ang lalamunan ko, tuloy na uli ang pamimigay natin ng biyaya sa mga kababayan natin. Pagpasensiyahan na nila ako sa dalawang araw ng replay, tao lang po, bumibigay ang katawan,” positibong sabi pa ni Willie Revillame.

Leave A Reply

Your email address will not be published.