Abante Tonite Interactive

Bola ni player nalunok ni courtside girl

1,478

Nagbunga na pala ang dati lamang matatamis na tinginan at malalagkit na biruan nina player at courside reporter.

May asawa si dating player pero iniwan nito ang kanyang dating pamilya para magsama na sila ni courtside girl.

Malaki ang kinakaharap ni courtside girl kaya siguro nito matapos malunok ang bola ni dating player ay tuluyan na silang nagdesisyon na magsama at ipagpatuloy ang kanilang pagkakaunawaan.

Dating isa sa pinakamahuhusay na manlalaro sa propesyonal na liga si player at kabilang ito sa tumutulong na lamang sa isinasagawang mga training camp para sa mga kabataang mahilig sa sports.

Madalas naman napag-uusapan si courtside reporter noon dahil mahilig itong pumasok sa dugout ng mga koponan laluna kapag kampeonato at nababasa ang damit kapag napapasama sa nabubuhusan ng tubig. (Lito Oredo)