Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bolick, Anthony bala ng NorthPort

0 98

Mga laro sa Biyernes (Ynares Arena-Pasig)
11 a.m. – Opening ceremonies
12:30 p.m. – Alaska vs. Blackwater
3 p.m. – Rain or Shine vs. NLEX
6 p.m. – Meralco vs, NorthPort

Naka-recover na sa injuries sina Robert Bolick at Sean Anthony, matatasahan na sa unang salang ng NorthPort laban sa Meralco sa tampok na laro ng three-game offering sa opening day ng PBA Philippine Cup sa July 16.

Lahat ng mga laro ay sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Higit isang taon ding nawala si Bolick matapos abutin ng knee injury sa 2019 Governors Cup.

SM food to go Banner Ad

Nakasama si Anthony sa kampanya ng Batang Pier sa all-Filipino sa Clark bubble noong isang taon pero pigil din ng hamstring injury.

Ang hindi pa sigurado ay kung nakabalik na sa bansa si Greg Slaughter, nakuha ng NorthPort sa Ginebra via one-on-one trade kay Christian Standhardinger.

Iniulat ng Spin.ph na pumunta ng US si Slaughter para kumpletuhin ang vaccine. Binanggit ni commissioner Willie Marcial na obligadong dumaan sa 7-day quarantine ang mga player na manggagaling abroad kapag kumpleto na ang anti-COVID vaccine.

Sa Draft noong March, hinugot ni coach Pido Jarencio bilang No. 2 pick si 6-foot-6 guard Jamie Malonzo bago isinunod si 6-8 wing Troy Rike sa 11th. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.