Abante Tonite Interactive

Bolick ayaw paawat sa ML

374

Busy–busy-han ngayon at ML o Mobile Legend ang inatupag ni Philippine Basketball Association (PBA) start Robert Lee Bolick Jr. ng NorthPort.

Ang pinagkakaabalahan ng Batang Pier ay para hindi mainip habang nakasailalim sa enhanced community quarantine ang buong Luzon dulot COVID-19 pandemic lalo’t suspendido ang 45th PBA Philippine Cup eliminations .

Sa kanyang Instagram story (@babesbolick), ginugulangan ng 24-year-old, 6-foot-1 point guard ang kanyang mga kalaban matapos magtala ng ‘Savage’ kung saan tinalo o sabay-sabay niyang dinurog ang mga kalaban sa isang clash.

Ang gamit niyang character ay si ‘Wanwan’ isang marksman hero na kasing ligalig niya kung paano maglaro sa loob ng hardcourt.

Sa ngayon ay tengga muna ang former National Collegiate Athletic Association (NCAA) at San Beda standout Bolick dahil sa coronavirus crisis. (Aivan Denzel Episcope)

Tonite – Wendys Inhouse Ad