Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bolick, GF kinasal na

0 124

Ilang araw matapos magbalik sa bansa ay tuluyan nang nagpakasal ang NorthPort guard na si Robert Bolick sa kanyang kapareha na si Cassandra Yu sa isang mataimtim na kasalan sa Cebu.

Ibinahagi ng San Beda graduate sa kanyang social media ang mga litrato ng kanyang kasal sa kilalang social media influencer at flight attendant na si Yu.

Ang dalawa ay ikinasal sa isang civil wedding na isinagawa sa Cebu kung saan tumulong at naging sponsor ang dating PBA star at ngayon ay Cebu City councillor na si Dondon Hontiveros sa seremonyang ginanap Linggo.

Kapwa nag-post ng kanilang matatamis na pahayag sina Bolick at Yu sa kanilang social media account.

“When the time is right, when the intention is clear, when the heart is ready, God will surely let you experience being loved by the person He prepared for you,” sabi nina Bolick at Yu.

Ang dalawa ay naging engaged nito lamang Enero 1, 2022 bagaman una nang nag-post sa kanilang relasyon sa puliko simula noong Oktubre 2021.

Matatandaan na hindi nakapaglaro si Bolick para sa Gilas Pilipinas na sumabak sa katatapos lamang na 31st SEA Games dahil kinailangan nitong dalawin ang kanyang maysakit na ama sa Estados Unidos. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.