Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bolick, Malonzo titibagin ang TNT

0 62

STANDINGS

TEAM W L
TNT 8 1
Meralco 5 2
Magnolia 6 3
Rain or Shine 6 4
SMB 5 3
NorthPort 4 3
NLEX 4 5
Phoenix 4 5
Ginebra 3 5
Terrafirma 3 6
Alaska 2 4
Blackwater 0 9

Mga laro ngayon (DHVSU, Bacolor)
3 pm – TNT vs. NorthPort
6 pm – Phoenix vs. Ginebra

Sa 8-1 baraha, pasok na ang TNT sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup.

Hahabulin naman nina Mikey Williams, Jayson Castro, Troy Rosario at Tropang Giga ang isa sa top 2 slots sa elims na win-once laban sa mas mababang team sa playoffs.

Unang harang sa Tropa ang streaking NorthPort (4-3) sa first game ngayong Miyerkoles ng alas-3:00 nang hapon sa Don Honorio Ventura State U gym sa Bacolor, Pampanga.

Sa likod nina Robert Bolick at Jamie Malonzo, humarabas sa tatlong sunod na panalo ang Batang Pier sa ilalim ni interim coach Bonnie Tan. Huling itinumba ng NorthPort ang NLEX 96-94 noong Linggo.

Huling kinontak ng TNT ang 88-67 win laban sa Ginebra, tumalo sa kanila sa anim na laro sa Finals ng parehong torneo noong December sa Clark bubble.

Ayaw munang tumingin sa malayo ni coach Chot Reyes kahit humaharabas ang Tropa.

“Focus now at the task at hand, which is the game at hand. We’re not really looking too far ahead,” aniya.

Nagpakilala si No. 4 pick overall Williams sa Ginebra sa tono ng 27 points mula 10 of 18 shooting at 4 for 7 sa 3s. Nagdagdag ng tig-14 sina Castro at Rosario. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.