Abante Tonite Interactive

Bolick may online guard skills clinic

0 290

Kakaibang gimik ang isasagawa ng NorthPort Batang Pier upang makatulong sa hospital at local government units (LGUs) ngayong may ng pandemic COVID-19.

Naglunsad ang nasabing Philippine Basketball Association (PBA) team ng online seminar kung saan bumibida rito ang star player nilang si Robert Lee Bolick Jr. na magtuturo ng ‘Guard Skills’ online.

“Gusto ninyo ba makatulong? Gusto ninyo ba maka-bonding si Robert Bolick? Join our Online Guard Skills Training fundraising event!,”post ng NorthPort sa kanilang official FB page.

Ang 3 swerteng donor sa nasabing fund raising event ang mabibigyan ng tsansang makausap ang dating Gilas Pilipinas national men’s basketball team at San Beda University-National Collegiate Athletic Association (NCAA) player via Zoom.

Aktibo ang 24-year-old, 6-foot-1 guard at Leyte native sa mga fund raising event na layuning makatulong sa mga nasalanta ng COVID-19 matapos niyang isubasta ang kanyang jersey nitong nakaraang buwan. (Aivan Denzel Episcope)

Tonite – Wendys Inhouse Ad