Abante Tonite Interactive

Bolick nakaranas ng ‘pambubugbog’

0 373

LAHAT ng klase ng ‘binyag’ sa kanyang rookie year, naranasan ni NorthPort point guard Robert Bolick.

Kumbaga, sobrang ‘baptism of fire’ ang inabot ng former San Beda Red Lions star.

Sa isang pagkakataon, inalala ni Bolick kung paanong ‘nabugbog’ siya sa kanyang rookie season.

“Kinausap ako ni Ryan (Araña). Sabi niya, ‘Pre, NLEX kalaban natin, si coach Yeng Guiao. May sasabihin sa’yo ‘yan. ‘Wag ka na lang mag-react,” sambit ni Bolick sa report ng abs-cbnnews.com.

“Siyempre ako, wala naman akong alam. First quarter, si Kevin (Alas), binubunggo ako. Sabi ko, ‘Ito na siguro, ready na ako. PBA na ito.’ Tapos, nakamintis ako sa may banda ni coach Yeng, sabi niya, ‘Huy! Ano akala mo, Pasko parati?”

Nakatikim din si Bolick ng ‘pambubugbog’ kina Marc Barroca, Paul, Lee, Beua Belga at Jewel Ponferrada.

“Si Mark, akala mo ‘yung kamay magnanakaw. Hawak dito, hawak dun. Hampas dito, hampas doon. Di tinatawagan,” aniya.

Sa ngayon ay kanselado pa rin ang mga laro sa PBA dulot ng pandemic coronavirus kaya sinasamantala ito ni Bloick upang mapagaling nang husto ang inoperahang ACL. (Abante Sports)

Tonite – Wendys Inhouse Ad