Abante Tonite Interactive

Bolick nikmati, Beda nilamog ang EAC

By
219

Team Standings W L
LPU 12 0
SBU 12 1
CSJL 7 4
CSB 7 5
UPHSD 6 5
AU 4 7
MU 4 8
SSC-R 4 9
EAC 2 10
JRU 2 11

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
8 a.m.- CSJL vs MU (jrs)
10 a.m.- CSB vs AU (jrs)
12 nn.- CSJL vs MU (srs)
2 p.m.- CSB vs AU (srs)
4 p.m.- UPHSD vs LPU (srs)
6 p.m.- UPHSD vs LPU (jrs)

Kumayod si team captain Robert Bolick sa third quarter upang tulungan ang two-time defending champion San Beda University na kalusin ang Emilio Agui­naldo College 76-57 kahapon sa pangalawang laro ng 94th NCAA senior men’s basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Nagtala si Bolick ng 12 sa kanyang 20 points sa third quarter upang umalagwa ang Red Lions ng 14 puntos na bentahe 59-45 papasok ng fourth quarter.

Pang-anim na sunod na panalo na ito ng Mendiola-based squad, na nasa pangalawang puwesto ng team stan­dings kapit ang 12-1 record sa likod ng wala pa ring talong Lyceum Pirates (12-0)
Nalasap naman ng Generals ang pang-10 talo sa 12 laro.

Sa unang laban, pina­kawalan ni Allyn Bulanadi ang kanyang itinatagong tikas matapos akbayan ang San Sebastian College sa 82-75 panalo kontra makukulit na Jose Rizal University.

Nirehistro ni Bulanadi ang career-high 27 points upang ilista ang 4-9 karta ng Golden Stags at manatiling may tsansa sa asam na makapasok sa semifinals.