Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bolick, NorthPort kakalawangin

0 171

Ayaw isugal ni NorthPort coach Pido Jarencio ang safety ng kanyang mga player habang tumataas ang kaso ng COVID-19 infections pagkatapos ng Christmas holidays.

“Grabe ‘yung surge, ang taas ng mga kaso,” ani Jarencio Huwebes.

Mula Jan. 5 ay tinigil ng PBA ang mga laro ng Governors’ Cup 2021-22 elims.

Hindi na rin nagpatawag ng scrimmages si Jarencio habang tigil-putukan muna.

Kaya ang mga tulad nina Robert Bolick, Greg Slaughter, Arwind Santos, Jamie Malonzo at iba pa, garahe muna.

“Hintayin na lang natin na bumaba muna o mag-normalize kahit papaano,” paliwanag ni coach Pido. “Kapag allowed na sports, especially indoor sports, eh ‘di saka na lang tayo magpakondisyon. Pero ngayon ang priority siyempre, safety first muna ng lahat.”

Pinatigil na rin ng bench tactician kahit small-group workouts ng maximum 4 players.

“Hindi na namin pinush ‘yung cluster sa practice. In-off muna namin,” aniya.

Hanggang Zoom exercises lang, kaya sigurado mawawala sa game-shape ang players.

“Talagang mawawala ka sa kondisyon dito,” pakli ng coach. “Mawala ka ng dalawa, tatlong linggo dito, off na naman team mo. Kapaan na naman ‘yun.”

Heart broken lang ang Batang Pier dahil wala pang naipapanalo sa apat na laro, injured pa si import Cameron Forte kaya balak nang hanapan ng kapalit. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.