Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bolick, NorthPort nilublob Blackwater

0 63

Mga laro ngayon (DHVSU, Bacolor)

12:30 pm – Magnolia vs. Rain or Shine

3 pm – NLEX vs. TNT

6 pm – Ginebra vs. SMB

Start-to-finish na giniyahan ni team manager Bonnie Tan ang NorthPort sa 98-73 panalo kontra Blackwater sa main game sa Don Honorio Ventura State U sa Bacolor, Pampanga Huwebes ng gabi.

Sa likod ng balanseng scoring na pinangunahan ng tig-17 nina Robert Bolick at Jamie Malonzo, angat ang Batang Pier sa 2-3. May 14 points pa si Kevin Ferrer at 12 points, 11 rebounds kay Greg Slaughter.

Halos triple-double si Bolick sa sahog na 10 rebounds at 7 assists, may 12 boards din si Malonzo.

Ngayon lang nakalaro sa re-start ng PBA Philippine Cup ang Batang Pier, hindi pa tapos ang quarantine ni coach Pido Jarencio.

Si Tan ang nagmamando sa bench, may remote na ayuda si Pido.

“May isang tao kami doon na magiging kausap ko to relay kay coach Bonnie kung anong mga ibang gagawin,” ani Jarencio sa TV5. “Pini-feed naman namin lahat sa kanya.”

Coach din si Tan ng Letran Knights na reigning champions sa NCAA.

Hindi nahawakan ng Blackwater ang manibela, natambakan pa hanggang 95-62 at nabaon sa 0-8.

Sa first game, nagtistis ng 28 points si Jason Perkins – 20 sa first half – at nilamog ng Phoenix (3-5) ang Terrafirma (3-5) 96-84 para kalsuhan ang three-game winning streak ng Dyip. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.