Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bolick, Perez ‘magpapatayan’

0 71

Quarters Game 1 ngayon (DHVSU, Bacolor)
3:00pm – Magnolia vs Rain or Shine
6:00pm – SMB vs NorthPort

BUBUHAYIN nina Robert Bolick ang CJ Perez ang karibalan na nagsimula sa kanilang NCAA days sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor ngayon.

Best-of-three ang bakbakan ng No. 4 San Miguel Beer ni Perez at No. 5 NorthPort ni Bolick.

Giniyahan nina Perez at Bolick ang Lyceum at San Beda sa back-to-back finals appearances sa NCAA, dalawang beses sinagpang ni Bolick at Red Lions si Perez at Pirates.

Sabay din silang pumasok sa PBA noong 2018 – No. 1 pick si Perez ng Terrafirma, No. 3 si Bolick sa Batang Pier.

SM food to go Banner Ad

Dalawang beses naging scoring champion si Perez sa Dyip bago nalipat sa SMB.

Sa tanging meeting ngayong conference, tinalo ng Beermen ang Batang Pier 88-86 noong July 25.

Nagsumite si Perez ng 18 points, 8 rebounds, 2 assists at 5 steals, nagtistis si Bolick ng 19 points, 8 rebounds, 6 assists at 2 steals.

“Excited ako na makalaban siya,” ani Perez sa karibal, via Tiebraker Times. “Grabe nilalaro niya.”

“It’s gonna be a good matchup. Sana pumabor pa rin sa akin,” wika ni Bolick, nag-a-average 18.1 points, 6.9 rebounds, 7.3 assists kumpara sa 17.2 points, 5.3 rebounds, 1.8 assists ni Perez. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.