Abante Tonite Interactive

Bolick Rookie of the Month

296

Handa nang akuin ni Robert Bolick ang liderato ng NorthPort na iniwan ng kanyang mentor na si Stanley Pringle.

Tapos mai-trade si Pringle sa Ginebra noong June 18, take charge agad si Bolick para akayin ang Batang Pier sa first-ever top 2 finish ng prangkisa sa PBA Commissioner’s Cup.

Giniyahan ng 23-anyos na rookie sa back-to-back wins ang NorthPort kontra Rain or Shine at Blackwater, naubusan lang sa Phoenix.

Nag-average si Bolick ng 16.3 points, 5.6 rebounds at 7.3 assists sa unang tatlong laro ng post-Pringle era. Sa apat na panalo kontra dalawang talo nitong June, nagsumite ang guard na produkto ng San Beda ng 15.0 points, 6.0 rebounds at 6.0 assists para selyuhan ang una niyang PBA Press Corps Rookie of the Month honors para sa Hunyo 2019.

Tinakbuhan ni Bolick sa citation si top pick CJ Perez ng Columbian na nakakuha ng apat sa 19 votes. Sa limang laro, nag-average si Perez ng 25.0 points, 7.8 rebounds, 4.6 assists at 2.8 steals sa 2-3 card ng Dyip.

Nominado rin sa pagkilala si Bobby Ray Parks Jr. ng Blackwater na nagsumite ng 23.3 points, 7.5 rebounds at 4.0 assists nang mag-2-2 ang Elite nitong nakaraang buwan. (VE)