Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bolick, Slaughter, Malonzo ‘armado’

0 265

OPTIMISTIKO si NorthPort Batang Pier coach Pido Jarencio na produktibo ang kanilang magiging kampanya sakaling makapagsimula ang ika-46 na taon ng Philippine Basketball Association (PBA) dahil sa pagkakaroon nito ng mahusay na rookie para idagdag sa nagbabalik na si Robert Bolick at nakuha na si Greg Slaughter.

Ipinaliwanag ni Jarencio na mas nabuo ang komposiyon ng Batang Pier sa pagkakakuha nito sa rookie na si Jamie Malonzo bilang No. 2 overall gayundin sa beteranong si Slaughter mula sa isang trade sa Barangay Ginebra kapalit ni Christian Standhardinger.

“Magandang kombinasyon at malaking potensiyal iyung tatlong iyun, kasi mga bata pa, malalaki saka may magaling na guwardiya kaya maganda tingnan in the near future kung ano ang mangyayari,” sabi ni Jarencio.

Tinutukoy ni Jarencio ang pagbabalik ni Bolick mula sa injury na inaasahan nitong gigiya sa Batang Pier katulong sina Malonzo at Slaughter upang maabot ang hinahanap nitong samahan at pagkakaalaman sa laro.

“Makikita lang natin iyan sa laro kasi hindi pa nakakabalik sa ensayo,” sabi ni Jarencio.

“May potensiyal iyung team, hindi pa lang natin makikita ng husto kasi kailangan may camaraderie, maganda ang chemistry. Kapag nakuha na ang sistema mo, maganda ang tatakbuhin ng team.”

Hindi naman ipinakita ni Jarencio kung gaano ito kakuntento at excited malaman ang kapasidad ng koponan base sa kanilang sistema.

“Noong una, ngayon hindi. Wala kasing laro,” sabi ntio. “Dahi kasi hindi makakilios, may gusto ka na ipagawa, hindi magawa, kasi maraming wala. Ngayon, tingnan muna natin,” sabi nito. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.