Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bolick sobrang sabik sa bola

0 182

Masayang-masaya si Philippine Basketball Association (PBA) star Robert Lee Bolick Jr. dahil dumating na ang araw na kanyang pinakahihintay.

Sa bisperas ng pagbabalik ensayo ng incoming sophomore NorthPort Batang Pier combo guard, hindi niya naitago ang tuwa mula sa halos 10 buwang pagkatengga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Makakahawak na ulit ako ng bola!” saad nitong Huwebes ng 24-year-old, 6-foot-1 cager sa kanyang tweet.

Hinirit ng former National Collegiate Athletic Association (NCAA) standout mula sa San Beda University Red Lions, na sobrang miss din niya ang kanyang teammates.

Na-ACL injured ang kanang tuhod ni Bolick sa 2019 Governors’ Cup game ng NorthPort kontra San Miguel Beer noong Oktubre. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.