Abante Tonite Interactive

Bolts nagmaktol sa lipat Gins ni Dillinger

546

ober da bakod

Nilambat ng Ginebra si Jared Dillinger mula sa unrestricted free agent with rights to salary list ng Meralco.

Kinumpirma Biyernes ng PBA ang paglipat ng 6-foot-4 Fil-Ameri­can guard sa pinaka-popular na koponan sa liga.

Nilagay ng Bolts si Dillinger sa UFAWR2S List para bigyang-daan ang pagpasok ni Raymond Almazan sa injured/reserve list.

Agad ding sinama ng Gin Kings si Dillinger sa active list kahalili ni Julian Sargent na unang pinalit sa puwesto ni Jeff Chan na tinatayang isang buwang mawawala dahil sa ankle sprain na inabot sa unang salang ng Gins sa Commissioner’s Cup kontra Blackwater noong May 24.

Second pick overall ng TNT si Dillinger noong 2008 bago nalipat sa Meralco noong 2013. Nakalimang titulo na rin siya lahat sa KaTropa.

Pero hanggang isang buwan pa bago makalaro si Dillinger dahil nagpapagaling pa mula quadriceps muscle injury.

Halatang may tampo ang pamunuan ng Bolts sa biglaang lipat ni Dillinger, nagulat pa nga si team manager Paolo Trillo na sa PBA memo nitong Biyernes pa nila nalaman na nakapirma na ang 35-anyos na guard/forward sa Ginebra.

Bago magsimula ang conference,­ nagkaroon na aniya ng ‘gentleman’s agreement’ ang team at si Dillinger na mananatili siya sa team. Tiwala ang Meralco na ipapaalam sana ni Dillinger sa kanila kung may balak itong lumipat o may kumukuha sa kanyang team.

Si Ginebra coach Tim Cone, matagal-tagal na raw gustong makuha si Dillinger. Narinig na raw niyang ni-release ng Bolts ang guard at kinausap ng management ng Gins.

“If it’s true, we obviously are extremely happy to have him,” ani Cone. “He’s a multi-talented guy that I’ve pursued for many years.” (Vladi Eduarte)