Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Belo, Pasaol lakas ng Bolts

0 226

SWAK sina new additions Mac Belo at Alvin Pasaol sa sistema ng Meralco.

Dumating sa Bolts ang 6-foot-4 forward sa trade sa Blackwater kapalit ni Baser Amer.

Loaded ang backcourt ng Meralco, nagbawas para magdagdag sa wings.

“Judging from the last few days, this guy, he will fit right into our team,” ani sophomore guard Aaron Black sa The Game ng One Sports. “He’s a guy who can stretch the floor, he can do multiple things.”

Madali raw magagamay ni Belo ang kultura ng Meralco.

Nasa Ilocos Norte ang Bolts, nagtayo ng training bubble sa Laoag City.

Related Posts

Si Pasaol ang ninth pick ng Bolts noong March.

Kilalang scorer ang bilugang forward na minsang nagsalansan ng 49 points para sa UE Red Warriors sa UAAP.

“Alvin is a really smart player,” dagdag ni Black.

Makakasama ni Pasaol sa wings ng Meralco sina Allein Maliksi at Bong Quinto.

Hindi pa lang nakakasama si Pasaol sa scrimmages ng Bolts dahil katatapos lang ng duty ng 6-2 forward sa Gilas Pilipinas na kumampanya pero napa-exit agad sa 3×3 Olympic Qualifying Tournament sa Graz, Austria. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.