Abante Tonite Interactive

Boluntaryong drug test sa Barangay at SK bets

655

Para matiyak na walang nagdadamo, nagbabato o lulong sa iba pang klase ng ­bawal na gamot na kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections, hinimok ng isang kongresista ang mga sasabak sa hala­lang pambarangay sa Mayo 14 na boluntar­yong magpa-drug test.

Ang resulta ng drug test ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House committee on dangerous drugs ay kinakailangang isumite sa Commission on Elections (Comelec) para sa documentation at publication.

Ayon kay Barbers, magpapadala siya ng liham sa poll body para magtakda ng timeline kaugnay sa voluntary drug testing at pagsusumite ng resulta.

“The village poll aspirants may submit to a voluntary drug test at any Department of Health-accredited drug testing facility and submit themselves to a certain timeline before the Comelec,” pahayag ni Barbers.

Ihihirit din ng kongresista sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na kausapin ang mga kandidato na lumagda sa dokumento o covenant na nagpapatunay na itinatakwil ng mga ito ang iligal na droga at walang sino mang drug personality na sumusuporta sa kanilang kandidatura.

“…and for those who will reject or refuse to undergo the voluntary drug testing, well, their problem is that they would all be subject to suspicions for alleged involvement in illegal drugs,” dagdag nito.

Binanggit ni Barbers na nagpahayag na ng suporta ang Comelec gayundin si PNP chief Oscar Albayalde at mga lokal na opisyal mula sa Quezon City, ­Baguio City, Cebu City at iba pa kaugnay sa boluntar­yong drug test ng mga kandidato sa Barangay at SK polls.

“I fully appreciate the PNP chief, Comelec and local chief executives who fully support the national crusade against the drug menace by calling for a voluntary drug testing of all candidates for the May 14, 2018 Barangay and SK elections in their respective localities. Their moves are the very essence of leadership by example,” ayon pa sa kongresista. (Aries Cano)