Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bomb expert ng Daulah Islamiyah tumimbuwang

0 54

Isang terrorist bomb expert ang nasawi habang naaresto naman ang kasamahan nito sa pakikipag-engkwentro ng militar sa lalawigan ng Maguindanao.

Dead on the spot ang teroristang si Khamhed Akam Kambal alyas Mheds, isang bomb expert ng Daulah Islamiyah Hassan Group.

Naaresto naman ang kasama ni Kambal na si Nasrudin Sali Blah, 22, residente ng Barangay Tuayan, Ampatuan, Maguindanao.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ng 601st Brigade, nakatanggap ng impormasyon ang Joint Task Force Central na pagala-gala ang armadong kalalakihan na pinamumunuan ng isang alyas Alpha King sa Brgy Dicalungan, Ampatuan, Maguindanao.

Bago pa man makapasok sa lugar ay sinalubong na ang mga militar ng sunud-sunod na putok na naging resulta ng engkuwentro at napatay si Kambal. (Betchai Julian/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.