Abante Tonite Interactive

Bomb joke sa LRT, babae dinampot

327

Dahil sa bomb joke ay agad na dinampot at dinala sa himpilan ng pulis ang isang babae kamakalawa sa LRT 1 Baclaran Station.

Sa nakalap na ulat ay dinakma ang suspek na si Marites Florentino na taga-Caloocan City.

Magbabayad na umano sana si Florentino para sa kanyang tiket nang magbiro umano itong may dala siyang bomba sa bag.

Bunga nito’y agad na hinalughog ang kanyang bag at kahit na walang nakitang bomba ay binitbit pa rin ito patungong Baclaran Police Station.