Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Bomb maker’ ng komunista sumuko

0 63

Sumuko sa militar sa San Jose, Nueva Ecija ang umano’y bomb maker ng communist terrorist group (CTG) at ang rason nito ay nalinlang umano siya ng New People’s Army (NPA) matapos pangakuan ng kung ano-ano para sa kanyang pamilya.

Ayon kay Lt. Col. Enrico Gil Ileto, commanding officer ng 84th Infantry Battalion (84IB) ng Philippine Army sa ilalim ng 7th Infantry Division (7ID), kusang loob na sumuko sa kanila si alyas Ka Wing, 34, miyembro ng NPA Larangan Gerilya sa Patag 1. Kasama niyang isinuko ang 2 improvised explosive device (IED), detonating cord, 500 milliliter ng phosphorus black powder at 2 anti-tank IEDs.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Base sa militar, si Ka Wing ay 5-taon ng nag-ooperate sa Nueva Ecija at nagdesisyong sumuko matapos mapagtantong niloloko lang siya ng samahan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.