Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bomba pinasabog sa bus, 4 bata sugatan

0 54

Palaisipan pa sa Cotabato Police kung sumabog o pinasabog ang isang bus na ikinasugat ng pito katao kabilang ang apat na menor de edad habang binabaybay ang kahabaan ng national highway sa Aleosan, Cotabato, Martes ng umaga.

Ayon kay Lt. Col. John Paul Baldomar, spokesman ng Philippine Army 6th Infantry Division, sa kasagsagan ng biyahe ay sumabog ang likurang bahagi ng Mindanao Star Bus na may body number 15511, alas-8:15 ng umaga, kahapon, na lubhang ikinasugat ng mga biktima.

Nakilala ang mga biktima na sina Haron Solaiman, 24-anyos; Masid Piang, 25; Rodolfo Castillo, 67; at apat na menor de edad, kabilang ang isang 5-taong gulang na nasa kritikal na kondisyon ngayon sa pagamutan.

Sa lakas umano ng pagsabog ay halos bumaliktad ang nasabing bus.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Parang umalsa ang likuran ng bus pagkatapos ng explosion, wasak ang mga bintana ng bus,” pahayag ng isa sa mga pasahero.

Sinabi pa ni Baldomar na wala pa silang suspek at wala pang grupo na umaako sa pagsabog kaya sa ngayon ay malalimang imbestigasyon ang ginagawa ng mga tauhan ng Explosives and Ordnance Division para malaman kung anong klaseng pampasabog ang nilagay sa likod ng bus.

“Mahirap kasi mag-come up ng suspect until such time na ma-identify namin ‘yong mga components at saka ‘yong klase ng pampasabog.” (Vick Aquino/Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.