Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Bombahan’ sa miting ng POC

0 66

Hihimayin ang mga kontrobersiyal na isyu sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) at eleksiyon Nobyembre sa malamang na mainitang Philippine Olympic Committee (POC) Executive Board meeting.

Magsisimula sa ganap na alas-10:30 nang umaga ang okasyon online via Zoom kung saan tanging nasa agenda lang ang nasabing dalawang usapin – Phisgoc audit report sa 2019 PH SEA Games at POC elections sa Nobyembre 27.

Hiniling ng mga miyembro sa POC General Assembly ang agad na paglalabas ng audited financial report sa nakalipas na SEAG dahil sa nasasangkot ang pribadong ahensiya bilang isang institusyon sa sports. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.