Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bombero inatake sa trabaho

0 147

Dedbol ang isang miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Polangui, Albay matapos umano siyang atakehin ng hypertension habang rumeresponde sa nasusunog na hardware, Lunes ng hapon, sa nabatid na bayan.

Sinubukan pang itak­bo sa pinakamalapit na ospital ang biktimang si SFO1 Ramon Quiapon Jr., miyembro ng Polangui BFP, subalit nasawi rin siya habang nilalapatan ng lunas ng sumu­ring doktor.

Sa inisyal na ulat ng BFP Polangui, isang sunog ang sumiklab sa J.P. Liao Trading na pag-aari ni Leticia Liao at matatagpuan sa Brgy. Ubaliw, ala-1:30 kang hapon, kahapon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Agad rumesponde ang mga tauhan ng Polangui BFP gayundin ang iba pang bumbero sa kalapit-bayan upang apulahin ang sunog.

Subalit habang tinutupad ang tungkulin ay biglang inatake ng kanyang sakit na hypertension si Quiapon dahilan upang itakbo siya sa pagamutan su­balit nasawi rin. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.