Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bombita, balibolista ‘di na iismolin

0 134

Laking pasalamat ni Premier Volleyball League ace skipper Grazielle ‘Grace’ Bombita na isa nang professional ang liga niyang kinabibilangan.

“Pro-League. Thank you Lord. Hindi ko na maririnig iyong salitang ‘Volleyball player ka lang!'” post ng Motolite Powerbuilders open spiker sa Twitter Miyerkoles.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa memo ng Philippine Sports Commission (PSC) at Games and Amusement Board (GAB) at sa tulong ng huli, isa nang ganap na pro league ang PVL at inaasahang magbabalik court sa darating na Pebrero 2021.

Ayon pa sa 28-year-old Bicolana volleybelle, ang pag-angat ng liga bilang isang pro league ay may dulot ring opportunidad sa mga nakababatang balibolista.

“May ilo-look forward na ang mga bagets in the future,” sey pa ni Bombita. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.