Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bond iaariba Blackwater

0 219

Plano ng Blackwater na iparada si Jaylen Bond sa second conference ng PBA Season 46 na nakalinyang sumiklab bago matapos ang buwan.

Hanggang 6-foot-6 ang ceiling ng imports.

Nakalistang power forward ang 28-year-old, 6-foot-8 at Pennsylvania native, na naglalaro para sa Al-Muharraq sa Bahraini Premier League.

Sa Texas Longhorns unang lumaro sa college ang American bago naging miyembro ng Temple Owl.

Kumampanya rin si Bond sa NBA D-League para sa Westchester Knicks.

“Rekomendado ng mga kaibigan kong coaches sa US,” anang bagong coach ng Bossing na si Ariel Vanguardia. “Wala raw toyo.”

Hinihintay pa ng PBA at ng 12 teams ang go-signal ng IATF para makabiyahe na papasok ng bansa ang mga import. Kapag dumating ang approval, makakapag-set na rin ng exact date ng opening.

Pagkatapos ng Philippine Cup sa Bacolor semi-bubble noong Oct. 29, pinag-impake ng Blackwater si coach Nash Racela at ipinalit si Vanguardia.

Kung matutuloy si Bond, sa kanya iaasa ng Bossing ang misyon na putulin ang 19-game losing streak ng team mula pa noong 2020 sa all-Pinoy Clark bubble – pinakamahaba na ito sa pro league. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.