Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bong ayaw kalabanin si Willie

0 123

NI: VINIA VIVAR

May sariling bersyon si Sen. Bong Revilla ng Tutok to Win ni Willie Revillame na “Pera O Kahon” segment. Ang sa kanya naman ay “Letra o Cash” na sinimulan niya sa kanyang Facebook Live bilang Pamaskong Handog sa mga netizens na nanonood.

Sa Letra o Cash ay may mga letrang pipiliin ang contestant at may corresponding prize ito either tablet, cash, kabuhayan package at marami pang ibang papremyo. Tatapatan ito ng cash ni Sen. Bong at pipili ang contestant kung cash or letra.

Sa pa-game show na ito ni Sen. Bong ay kitang-kita na nagi-enjoy ang aktor/politiko sa kanyang ginagawa. And in fact, nagpalaro rin siya nito sa last Tuesday sa ginanap na lunch get-together with the entertainment press.

Kaya naman natanong si Sen. Bong kung may balak ba siyang magkaroon ng sariling game show at kumpetensiyahin si Willie.

SM food to go Banner Ad

Natawa si Sen. Bong sa tanong. Walang-wala raw sa isip niya ‘yun at ang gusto lang niya ay magpasaya ng mga tao.

“Kaya habang ginagawa ko ‘yun, kahit pagod ako, tatlong oras akong nakatayo, walang upo-upo, pero ganunpaman, nakikita ko na napapasaya ko ang mga tao, wala akong pagod,” sey ni Sen. Bong.

Natatawa niyang sabi, “hindi naman para agawan ko ng linya si Willie Revillame. Basta ginagawa ko ‘yun, pinapasaya ko lang ang mga fans natin.”

Sey pa niya, “ayokong kumpetensiyahin ‘yung aking kaibigan na si Willie.”

Actually, pwede naman talagang ituloy-tuloy ni Sen. Bong ang game show sa kanyang Facebook Live dahil marami talaga ang natutuwa and at the same time ay marami rin siyang natutulungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.