Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bong babu na ang serye

0 134

NI: ROLDAN CASTRO

Humanda ngayong gabi sa finale ng top-rating fantasy drama series na ‘Agimat ng Agila’. Ito ay comeback TV show ni Bong Revilla.

Todo ang pasasalamat ng aktor sa mga positive feedback at high ratings na natanggap ng show.

SM food to go Banner Ad

“Nakakataba ng puso na mahal pa rin tayo ng viewers, lalong-lalo na ng mga Kapuso. Sa init ng kanilang pagtanggap, para na rin tayong hindi nagpahinga sa paggawa ng mga palabas sa telebisyo. Regalo namin ito sa kanila,” deklara niya.

Kasama rin niya sa ‘Agimat ng Agila’ sina Sanya Lopez , Elizabeth Oropesa , Roi Vinzon, Benjie Paras, Allen Dizon, Michelle Dee, EA Guzman at Miggs Cuaderno. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Rico Gutierrez .

Tutok na ngayong Sabado, 7:15pm sa GMA-7.

Leave A Reply

Your email address will not be published.