Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bong binuking ang sikreto

0 339

Noong Martes,January 19,,ginanap ang oathtaking ng mga bagong opisyales ng Phiippine Movie Club,Inc.(PMPC), na kaming mga ka-Cuatros ay kabilang .Si Roldan,ang nahalal bilang aming presidente.Si Mildred, bilang assistant secretary. Si Rodel bilang P.R.O. At ang inyong lingkod,bilang isa sa board member. Bago ang oathtaking ceremony,nakausap muna namin si Sen Bong.Nagbigay siya ng pahayag tungkol sa parating na vaccine sa bansa.Na ayon sa kanya dapat tayong lahat ay magpabakuna.At isa nga raw siya sa handa nang magpa-vaccine

Sabi ni Sen.Bong,””Pag hindi ka nagpabakuna,baka magkasakit ka. Siyempre ang importante rito ay ‘yung safety ng bawat isa.Wala ka pa ring laya na lumabas o kung lalabas ka man,baka kakabakaba ka na tatamaan ka ng sakit With the vaccine,we’re safe.Kumbaga 95,% safe.Mas malakas loob natin na makisalamuha sa tao.Kung may sakit man yung mga kasama mo eh,safe ka. Pero yung hawa-hawa,maa-avoid mo ‘yan,eh. Ang importante sa vaccine na ‘yan eh, 100% hindi ka mamamatay.O, kundi man 100,%,95%.”

Aware naman daw si Sen.Bong sa mga balitang may mga namatay nang mga senior citizen sa ibang bansa na nagpabakuna.Pero hindi naman daw natin alam kung talagang totoo ‘yun Ipagdasal na lang daw natin na sana ay tama ang vaccine na ituturok sa atin.

RODEL FERNANDO: Iba pa rin talaga magpahalaga sa press ang mga seasoned artist na tulad ni Senador Bong Revilla. Sincere makipag-usap at mararamdaman mong pamilya siya habang nakikipagkuwentuhan ka sa kanya. Walang pader o anumang kaplastikan habang kausap namin siya.

Napansin din namin na ang guwapo pa rin ni Sen Bong Hindi tumatanda ang kanyang hitsura. Kaya naman tinanong namin siya kung anong sikreto niya,”Para hindi ka tumanda, kailangang matuto kang magpatawad at magmahal sa kapwa,”sabi ni Sen. Bong

So, pinatawad niya na ‘yung mga nagkasala sa kanya?Hindi na namin binanggit kung sino- sino ang mga nagkasala o gumawa ng hindi maganda sa kanya.Alam naman niya ang mga tinutukoy namin.

“Basta pinatawad ko na silang lahat,” aniya.

By the way, base sa napanood naming eksen ng upcoming show n’ya sa GMA 7 na ‘Agimat ng Agila’ ay maangas pa rin ang actor politician lalo na sa mga action scene. Wala pa rin siyang kupas. Siguradong marami na ang nag-aabang sa kanya kaya naniniwala kaming tatangkilikin ang bago niyang programa.

MILDRED BACUD:Agree ako sa inyo mga ka-Cuatros, dahil artista bago maging pulitiko ramdam talaga ang malasakit ni Sen.Bong sa industriya. Hindi ba nga ng tanungin siya tungkol sa pag-file ni Sen.Tito Sotto ng bill seeking the renewal of ABS-CBN ay mabilis niyang sagot na suportado niya ang mga kapwa niya Senador, “Definitely, I will support. Hindi pa rin nagbabago ang stand ko diyan. Basta dumating na sa Senado, isa tayo sa magsusulong. But it should eminate from the lower house. Kahit na pumasa sa itaas pero sa ibaba hindi pa medyo may problema yun.”

Pero hirit ni Senator Bong ay malaki naman daw ang chance.

Nang matanong naman si Senator tungkol sa unang Pasko at Bagong Taon na wala ang amang si Ramon Revilla Sr., sey niya “Malungkot siyempre. Nakita niyo naman kung gaano kami ka-close but we have to move on. Magkakasama pa rin naman kaming pamilya last Christmas na tradisyon na sa amin ,” sambit niya.

SM food to go Banner Ad

Revilla sobra ang pasasalamat sa PMPC

ROLDAN CASTRO:Agree, ka-Cuatros Rodel, matindi pa rin ang dating ni Senator Bong pagdating sa action. Nandoon pa rin ang liksi ng katawan.Hanep sa galing.Parang pelikula ang pinasilip niya sa aming trailer ng ‘Agimat ng Agila’ sa mismong oath-taking ng PMPC.Winner ang mga scene. Excited much na kaming mapanood ito sa GMA 7.

Speaking of PMPC, pinangunahan ni Senador Bong ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong opisyales ngayong 2021 .

Deklara niya:”First, let me just express how grateful I am to PMPC, isang malaking karangalan na makasama kayo sa hapong ito,” simula niya.

“Malaki rin po ang pasasalamat ko sa PMPC dahil sa maka-ilang beses na pagtanggap ko ng parangal mula sa inyo, ngunit higit na pinapagpapasalamat ko ay ang pagkilalang ibinigay ng PMPC kay Daddy, former Senator Ramon Revilla Sr., noong 2019. From the bottom of my heart, thank you for never failing to recognize talent and artistry in our industry.

“Hindi po lingid sa ating kaalaman ang hirap na dala ng taong 2020, kaya mas lumalaki po ang paghanga ko at pasasalamat sa PMPC dahil sa kabila ng ating sitwasyon noong 2020 ay patuloy po kayo sa pagkilala sa mga natatanging entertainers at artists sa ating industriya.

“Sa mga nagdaang taon, naging sandigan na po ng ating industriya ang PMPC kaya nakakatuwa pong makita that PMPC thrived and adapted during this pandemic season. This induction night and gathering is proof how important PMPC has been in our industry.”

Bahagi din ng kanyang mensahe ang paghahangad na lalo pang magtagumpay ang club.

” Nawa’y mas magningning pa po ang PMPC ngayong taong 2021. Kaya muli, maraming salamat po sa inyong lahat sa PMPC.”

Ang bagong Pamunuan ng PMPC ay binubuo ng inyong lingkod, Roldan Castro (President), Fernan de Guzman (Vice President), Mell Navarro (Secretary), Mildred Bacud (Assistant Secretary), Boy Romero (Treasurer), Assistant Treasurer (Lourdes Fabian), John Fontanilla (Auditor), Rodel Fernando at Leony Garcia (PRO) at ang Board of Directors na binubuo nina Sandy Mariano, Joe Barrameda, Eric Borromeo, Timmy Basil, Rommel Placente at Francis Simeon.

Mabuhay si Senator Bong! Mabuhay ang PMPC!

Leave A Reply

Your email address will not be published.