Abante Tonite Interactive

Bong ‘di maitago ang kalungkutan kay Jinggoy

2,543

tonite-pak-allan-diones
Sa September 25 ay birthday na naman ng best friend ni Senator Jinggoy Estrada na si Senator Bong Revilla.

Habang si Sen. Jinggoy ay nasa labas na at kapiling na muli ang kanyang pamilya, si Sen. Bong ay nasa loob pa rin ng Camp Crame at mahigit apat na taon na roon.

Ani Jinggoy, lagi niyang pinagdarasal ang kanyang matalik na kaibigan at tuwing nagsasalita siya ay sinasabi niya sa taumbayan na ipagdasal si Bong, na sana sa lalong madaling panahon ay makalaya na ito dahil alam daw nila na deep inside ay wala silang kasalanan sa taumbayan.

Confident daw siya na with all the prayers and all the support sa kanyang best friend ay makakalabas na ito the soonest possible time.

Last week huling nakita ni Jinggoy si Bong at kahapon ay dumalaw ulit siya sa PNP Custodial Center mula sa pakikipagtsikahan niya sa showbiz press.

“Okey naman siya (Bong), although I can see it in his eyes na talagang may halong lungkot. Minsan, nade-depress. Nandu’n tayo para palakasin ang loob niya,” sambit ng actor-politician.
Sabi ni Jinggoy, it’s good to be back after more than 3 years sa loob ng Camp Crame.

Na-miss niya ang showbiz kaya dapat ay gagawa siya ng come­dy movie, kaya lang ay hindi puwede ang lea­ding lady na gusto niya sanang makapareha, so hindi na ito matutuloy.

At saka baka hindi na rin daw puwede dahil malapit na siyang mag-file para sa pagtakbo niyang muli sa pagka-senador next year.

Kasama ni Sen. Jinggoy kahapon ang kanyang panganay na si Vice Mayor Janella Ejercito Estrada, na binasbasan ni Mayor Guia Gomez para maging susunod na mayor ng San Juan.

Marlo hirap pa rin sa pagkamatay ng ina

Dumalo si Marlo Mortel sa red carpet premiere ng pelikula niyang ‘Petmalu’ nu’ng Monday night.

Niyakap nang mahigpit si Marlo ng mga kasama niya sa cast ng youth-oriented movie na dinirek ni Joven Tan.

Kamamatay lang ng ina ni Marlo, pero tuloy­ ang buhay para sa 25-anyos na singer-actor.

Ayon kay Marlo, happy siya na maraming blessings ang dumara­ting sa kanya ngayon, pero medyo sad din dahil hindi na niya masi-share sa mother niya ang lahat ng success na ‘yon.

“I know that she’s happy for me, so siguro, okey na ‘yon sa akin,” bulalas niya.

Nagpasalamat din si Marlo sa lahat ng mga nakiramay sa pamilya niya at nagpadala ng messages of support.

Hirap pa rin daw siya dahil ilang days pa lang mula nang pumanaw ang mom niya.

Dalawa na lang sila ngayon ng dad niya. Ang plano ni Marlo is to work hard and make his mother proud wherever she is now.

Nu’ng August 24 lang sumakabilang-buhay si Mrs. Merlie Pamintuan after ng matagal nitong pakikipaglaban sa sakit na cancer.

Kung nabubuhay pa ang mommy ni Marlo ay matutuwa ito sa magandang role ni Marlo sa pelikula bilang isang mahirap na binata na mapagmahal sa ina at sa mga kaibigan nito.