Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bong ‘di pinabayaan ng GMA

0 319

Malaki ang pasasalamat ni Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. sa pagkakataong magbalik-telebisyon at gumanap bilang si Major Gabriel Labrador sa action-packed fantasy drama series na ‘Agimat ng Agila.’

Masaya raw ang aktor sa tiwala na ibinigay sa kanya para muling bumida sa isang serye, “I’m very happy to be back on television, dito sa aking first love. ‘Yung passion ko nandito, aside from public service.”

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Bong sa Kapuso Network para sa oportunidad na muling umarte, “Malaki ang pasasalamat ko sa GMA sa tiwala na ibinigay sa akin. Despite sa challenges na nangyari sa buhay ko, nandyan sila at hindi nila ako pinabayaan.”

Kuwento pa ni Bong ay marami siyang gustong katangian ng karakter niya na si Major Gabriel, “Bilang isang forest ranger, ‘yung pagmamahal niya sa kalikasan, sa pamilya, at ‘yung Filipino core values nandito. ‘Yung pagiging mabuting kaibigan. Mapagmahal ka, matatag ka, matapang ka, pagkalinga sa pamilya.”

SM food to go Banner Ad

Samahan si Major Gabriel sa kanyang exciting adventures sa ‘Agimat ng Agila,’ simula ngayong Sabado (May 1), 7:15pm, sa GMA-7.

First Yaya mapapanood na sa iQiyi International

May panibagong sorpresa ang GMA Network para sa mga Kapuso matapos nitong makipag-team up sa isa sa leading entertainment streaming platforms sa mundo – ang iQiyi International.

Mapapanood na sa iQiyi ang top-rating GMA primetime series na ‘First Yaya’ nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez pati na rin ang mga upcoming Kapuso drama na ‘Legal Wives,’ tampok sina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali; ‘Nagbabagang Luha’ nina Glaiza de Castro, Rayver Cruz, at Claire Castro; at ‘Love You Stranger’ ng real life Kapuso couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos. Ang mga ito ang unang Filipino content na mapapanood sa nasabing OTT platform.

Gamit ang iQiyi app o website na iQ.com, maaari nang maging updated sa latest na eksena sa mga nasabing Kapuso shows anytime, anywhere. Madadagdagan pa soon ang mga pwedeng mapanood dito kaya siguraduhing mag-download at mag-subscribe na sa iQiyi.

Leave A Reply

Your email address will not be published.