Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bong Go mag-oposisyon ka

0 125

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Bong Go na umaktong parang nasa oposisyon kung nais siyang tulungan sa mga ginagawang pagpapatakbo sa gobyerno.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Lunes ng gabi, sinabi ng Pangulo na sa ganitong paraan ay malalaman nito kung may mali o hindi tama sa kanyang mga ginagawang pangangasiwa sa bansa.

“Ang sabi ko kay Bong, “if you really want to help me, you act as if you are with the opposition. Huwag mong sabihin na kaibigan tayo, basta may mali, maski pati ako,” anang Pangulo.

Huwag aniyang mahihiya ang senador na sabihan siya kung inaakalang may mali sa kanyang ginagawa at kung inaakalang mapapahiya ito, maaaring ibigay sa ibang mambabatas para sila ang magsabi sa kanya.

“Ibulong mo lang doon sa ganito ang sitwasyon. Sila na ang mag-ano sa..they will open up everything for us. Mas lalong masira tayo kung we tolerateit eh. Iyan ang mahirap,” dagdag ng Pangulo.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.