Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bong Go pinatunayan malasakit sa mga Pinoy

0 87

Bilang pagtugon sa nararanasang mga hamon sa bansa, ilang panukalang batas na ang naipasa ngayong 18th Congress na inakda ni Senador Christopher `Bong’ Go.

Sa pagtupad ng kanyang tungkulin, 9 sa 14 na Senate bill ang naisabatas, kabilang na ang mga hamong dulot ng COVID-19 pandemic na nagresulta sa pagbagsak ng ekonomiya.

Kabilang sa mga legislative accomplishment ni Go ang pag-akda at pagsasabatas ng Republic Act No. 11463 o Malasakit Centers Act. Batay sa batas na ito, magiging mandatory ang pagtatag ng Malasakit Center, isang one-stop shop para sa medical assistance, sa Philippine General Hospital sa Maynila at iba pang ospital na pinamamahalaan ng Department of Health.

Si Go rin ang principal author at nagsulong ng pagpasa ng RA 11462 na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan election mula Mayo 2020 patungo sa Disyembre 2022. Dahil dito, nagkaroon ng sapat na panahon ang mga opisyal ng barangay para matapos ang kanilang mga programa at proyekto habang nakatitipid ng public fund.

Isa pang matagumpay na naisagawa ng senador ang pagpasa sa RA 11466 o Salary Standardization Law 5, na nagtataas sa sahod ng lahat ng mga government employee, kabilang na ang mga pampublikong nurse at teacher para sa 2020 hanggang 2023.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kasunod ng emergency declaration dahil sa pandemya, naging co-author at co-sponsor ang senador ng RA 11469 Bayanihan to Heal as One Act para sa mas mabilis na pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Upang masiguro na maipagpapatuloy ang mga programa kaugnay sa pandemya, tumulong din si Go sa pagpasa sa RA 11494 o Bayanihan to Recover as One Act.

Dahil din sa senador naipasa ang 11 panukalang batas na nagtataas sa bed capacity at pag-upgrade sa mga serbisyo ng mga lokal na ospital sa iba’t ibang panig ng bansa.

Inakda rin ni Go, na chair ng Senate committee on sports, ang RA 11470, na nagtatatag ng National Academy of Sports sa New Clark City sa Capas, Tarlac at magbibigay ng kalidad na edukasyon sa mga student-athlete.

Kaugnay pa ng serbisyo sa edukasyon, naging co-author si Go ng RA 11476 na nagsasabatas na maging core subject sa K-12 curriculum ang Good Manners and Right Conduct and Values Education.

Sa kanyang mensahe sa susunod na taon hiniling ni Go na, “Sa pagpasok ng bagong taon, magkaisa po tayo para sa ikabubuti ng ating bansa at para maibigay sa bawat Pilipino ang mas komportableng buhay tulad ng naipangako ng ating mahal na Pangulo.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.