Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bong Go sinaklolohan mga nasunugan sa Surigao

0 80

Sa pagpupursiging mapatatag ang disaster-resilient communities ay nag-organisa ang grupo ni Senator Christopher “Bong” Go ng paglingap sa 78 pamilya na nasunugan ng bahay sa Barangay Washington sa Surigao City, Surigao del Norte .

Sa video message noong August 27 ay pinasalamatan ni Go ang mga local official at sa mga rumesponde sa mga naapektuhang pamilya, ang Duterte Administration na nanay nagsegurong maipagkakaloob ang lahat nilang pangangailangan para maitayong muli ang kanilang bahay at kabuhayan.

“Saksi ako sa hinagpis na nararamdaman ng mga biktima ng sunog. Kada buwan, ilang komunidad ang ating binibisita sa iba’t ibang panig ng bansa para magbigay ng tulong. Huwag kayo mag-alala dahil magseserbisyo kami ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inyo sa abot ng aming makakaya,” pahayag ni Go.

“Obligasyon ng gobyerno na maging handa sa oras ng sakuna. Kaya nag-file ako ng batas para ma-modernize ang Bureau of Fire Protection. Kasama na dito ang pinu-push kong mandatory evacuation center at rental subsidy bills para sa mga biktima ng kalamidad,” dagdag pa ni Go.

Ang team ng Senador ay namahagi sa bawat pamilya ng meals, financial assistance, food packs, vitamins, masks at face shields, sa Surigao City Cultural Center. Ang aktibidad ay isinagawa per-batches bilang paniniguro na ang lahat ng safety protocols laban sa COVID-19 ay mahigpit na naipaiiral.

Mga piling benepisaryo ay tumanggap ng mga sapatos at ang iba ay bisekleta, may ilan naman ay computer tablet para magamit ng kanilang nagsisipag-aral na mga anak.

Bahagi sa pagtugon ng national government sa mga insidente, ang mga personnel mula sa Department of Social Welfare and Development ay namahagi naman ng financial assistance sa hiwalay na aktibidad.

Ang National Housing Authority ay nagsagawa naman ng assessed damaged houses para sa possible assistance sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program.

SM food to go Banner Ad

“Nagpapasalamat ako ng malaki kay Senator Bong Go at sa ating Pangulo Duterte dahil nakatanggap ako ng tulong. Salamat din kay (Mayor Ernesto Matugas, Jr.), sa DSWD at sa iba pang mga opisina ng gobyerno. Sana ay marami pa po kayong matulungan,” pahayag ng benepisaryong si Jamie Cordeta.

Ang Senate Bill No. 1832 in 2019 ay isinulong ni Go para mapondohan ang pambili ng mga bagong fire equipment, hiring of additional personnel and provision of specialized training for firefighters ng BFP. Sa bicameral conference committee report ng naturang bill ay ni-ratify ng Senate noong August 4 na nakatakdang lagdaan na ito ng Presidente

Inihain ni Go ang SBN 1228 para sa pagpapatayo ng evacuatiom centers sa bawat lungsod, munisipalidad at probinsiya at ang SBN 1227 para naman sa rental subsidies ng mga pamilya na naapektuhan ng mga kalamidad para may pansamantalang matuluyan ang mga ito.

Pinayuhan ni Go ang mga may pangangailangang medikal na magtungo ang mga ito sa Malasakit Center sa Caraga Regional Hospital ng naturang lungsod para sa medical assistance mula sa gobyerno.

Ang naturang center ay one-stop shop para sa medical assistance programs mula sa DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office. Ang programa ay nilikha sa pamamagitan ng Malasakit Centers Act of 2019 na pangunahing inakdaan at inisponsoran ni Go.

Kinilala ni Go ang ginawang pagtulong at kooperasyon nina Mayor Matugas, Councilor Mario Gesta at Social Welfare Assistant Lalaine Pantilo. Nangako itong ipagpapatuloy ang pagsuporta sa mga taga-Surigao City, na nagbigay tulong din ito sa 1,596 residents na naapektuhan ng bagyong Auring noong May 27.

Bilang Vice Chair of the Senate Committee on Finance, Si Go ay sumuporta sa ilang infrastructure development na inisyatibo ng lalawigan sa paglalayong maibigay ang greater access sa economic opportunities and public services. Isinulong nito ang construction ng flood mitigation structure sa Surigao River, Brgy. Trinidad, Surigao City gayundin ang construction ng farm-to-market road sa Claver; improvement ng Baoy River flood control sa Gigaquit; rehabilitation ng multi-purpose building sa Pilar, at maraming iba pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.